Posted in And there was light..

Pagod na..

pagurin ang sarili
hanggang sa wala ng matira
gusto ko na matapos
paghihirap kong wagas

dumadaloy ang panahon
kelangan ng bumangon
pero ang luha ko wala paring humpay
kelan ako mahihimlay

pagod na ang puso
pagod na ang isip
pinagod ng sinungaling mong puso
mapaglinlang mong bibig

matatamis na alaala
nawala prang bula
napalitan ng pait at sakit
nawala bigla ang saya

Advertisements
Posted in And there was light.., Just messing with my mind, Let's talk about LOVE

Biglaan lang..

Bakit ba tayo nagmamahal?

Bakit ba tayo pumapasok sa isang relasyon?

Gayong alam naman natin masasaktan lang tayo?

Bakit nga ba tayo nasasaktan?

Bakit ba tayo naloloko? Bakit may nagpapaloko?

 

Minsan naiisip ko bakit ba tayo nasa relasyon?

Bakit ang sarap sa feeling ng umpisa?

Pagkatapos mauuwi lang din sa wala ang lahat?

Para san pa na magbibigay ka ng oras mo, panahon at pagmamahal

Kung sa bandang huli iiwan ka lang din o maghihiwalay lang din kayo..

Para san ang masasayang usapan? masasayang oras nyo?

Kung mapapalitan lang din naman yun lahat ng sakit..

Para san pa na ibigay mo lahat-lahat

Kung sa bandang huli di rin naman pala sapat

Kung di ka rin sapat para sa taong yun

Di sapat para mahalin ka lang at di lokohin

Di sapat para maging tapat

 

Nakakalungkot isipin.. minsan sa buhay

Kelangan pa natin sumugal para lang malaman

Malaman kung tama o mali

Kelangan pa nating magbigay ng buong sarili natin

Para sa bandang huli sisirain

Diko maisip kung bakit natin ginagawa mga bagay na ginagawa natin

Nagmamahal tayo..

PERO bakit tayo kelangan masaktan?