Posted in Just messing with my mind

Bakit mahirap humanap ng matinong kausap?

Bakit nga ba?

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo e konti lng ang mga taong pede mong makausap ng maayos.. ng may “sense”.. ng may pangunawa sa lahat ng sinasabi mo..

Bakit?

Mahirap din humanap ng taong pedeng mgsimpatya sayo.. mahirap humanap ng taong naiintindihan lahat ng saloobin mo.. mahirap maglahad ng nararamdaman mo sa taong wala namang pedeng sabihin o gawin na maganda para sayo..

Wala nang taong may “tenga” sa tamang pakikinig.. ika nga nila listening is the beginning of understanding.. listening is different from hearing.. you can hear but not listen.. you cannot listen without hearing.. one is the precedent of the other..

Marami naring bagay ang ngpipigil satin para makinig ng maayos.. para umintindi ng may puso at pangunawa.. Sa teknolohiya ngayon pede nang ndi magusap ang mga tao.. sa Facebook status pa lang malalaman mo na kung ano2x mga ngyayari sa mga tao sa paligid mo.. Pero ang tanong, alam mo ba talaga ang pinagdadaanan nila..

Maaring mgpost ang kaibigan mo na nasasaktan xa.. or masaya xa.. or malungkot xa.. or kinakabahan xa.. pero alam mo ba kung bakit? magcocomment ka ngayon di ba? tapos sasagot xa.. asan ang feelings dun? asan ang tunay na diskusyon? asan ang totoong interaksyon na ngyayari? wala..

We are now living in a world that’s cold and heartless.. Kahit nga abuloy ngaun nadadaan na sa isang facebook post! Nadadaan na ang tulong sa pamamagitan ng pagLike! Lahat ay umiikot nlng sa pggalaw ng computer.. ng internet.. ng mga gadgets..

Pero pano mo maiintindihan ang kapwa mo.. kung sarado ang tenga mo.. ang puso mo sa tunay na ngyayari dun sa kausap mo.. magagalit ka nlng ba basta2x? kung sa ilang mga salitang nababanggit nya e ayaw mo nang pakinggan? kasi hindi tama sa pandinig mo? people sometimes only want to hear what they want to hear.. therefore leading us to misunderstand others.. leading to ill feelings like hate, indifference, etc.

Inaamin ko, isa ako sa mga taong hindi narin marunong makinig.. hindi ko alm kung pano nangyari and kung anong nangyari pero alam ko sa sarili ko na may mga panahong hindi nako nakikinig sa kausap ko kahit kaharap na nila ako.. minsan nagsasara ang utak ko.. minsan lumulutang kung saan2x.. minsan naman blanko lang at makikita nalang ako ng kausap ko na nakatulala..

Bakit nga ba mahirap humanap ng matinong kausap? Bakit? Hindi ko alam.. maaring hindi mo narin to binabasa hanggang sa huli.. At wala naring makakaintindi sa tanong mo… tsk tsk..

Advertisements

Author:

Complications...

One thought on “Bakit mahirap humanap ng matinong kausap?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s